Saturday, March 30, 2013

Hi! :)

Nakita ko ang grabeng Epic Fail ko doon sa Video na ginawa ko kagabi :) So gumawa ulit ako ng bago :) 

Pasensya na sa quality, cellphone lang kasi ang gamit ko kasi lowbat yung Digi-cam ko :)


Sa susunod na post ko :) ibang anime character naman ang gagawan ko ng speed drawing.

Draw Luffy- Sarah's Way

Hello!

Madaling araw na gising pa din ako, hindi nanaman ako dapuan ng antok, di ko alam kung bakit.

At dahil wala na akong magawa nanuod na lang ako ng mga tutorial sa youtube kung paano magdigital coloring using photoshop :) Tpos bigla na lang lumitaw tong video na to ni Oda-Chi~



Na-inspire nanaman ako ni Oda-chi~! So gumawa din ako ng video :)

Draw Luffy - Sarah's Way :)
Pagtyagaan nyo na masyadong pixelated, ewan ko ba bakit kapag ginagawa na sa Movie Maker lumalabo na :D

Napansin ko lang matapos ko ng ma-edit ung video, parang may beke si Luffy :D nalimutan ko kasi kulayan ung buhok sa gilid ng tenga nya kaya mukhang beke :D

Salamat ulit sa pag-aabalang basahin ang post ko :)

Friday, March 29, 2013

Drawing gamit ang Mouse?

Eto na ! Ang First Artwork ko na ginawa ko sa Photoshop.
Malamang sasabihin nyo "Ano ba to? Gumawa ng blog para magpost ng mga ganyang artwork? E parang gawa lang ng bata yan e "
Well, kahit mukhang napakawalang kwenta ng digital drawing ko na yan e mahirap yan no! Ikaw kaya magdrawing gamit ang mouse?? Hahaha Poor lang kasi ako, walang pentab kaya mahirap.

Kahit ganyan lang yung gawa ko, ipinagmamalaki ko yan. Kasi halos lahat naman ng artist nagsimula sa pangit diba? Mag-iimprove din ako promise :)

Salamat ulit sa pagbabasa sa napakawalang kwenta kong blog ;)

Pagpapakilala

Hello! :)

Well, dahil bago pa lang ako sa blog na ito, magpapakilala muna ako :)

Ako si Sarah Feliciano, Graduating IT Student sa Polytechnic University of the Philippines Institute of Technology (College of Technology noon). Aspiring Cartoonist or Mangaka, dba ang layo ?? IT ang course tpos gusto Cartoonist? bkit di na lang daw ako nag Fine Arts sabi ng iba. Ewan ko ba?? Hahaha wala kasi ako sa ulirat nung namili ako ng course :D hndi ko kasi tlga alam kung ano gusto ko nuon :D

Pano ko nga ba pinangarap maging Cartoonist/Mangaka?
Masyado kasi akong naapektuhan ng mga Anime na napapanoud ko e. Dahil to kay ODA-CHI~! (Echiiro Oda, One Piece Mangaka). Pinapangarap ko magtrabaho sa TOEI Philippines. Kahit simpleng taga drawing lang ok na ko. Basta mapasukan ko ung company na un :) Sabi nga ng nanay ko ang babaw daw ng pangarap ko, pero sa gaya kong aspiring Mangaka big deal na un :D

Bakit ako nandito sa Blogger?
Andito ako para magkalat ng kababalaghan kasi naiinggit ako sa mga may Blog. HAHAH joke lang syempre. May blog na ako dati sa Tumblr, kaso medyo walang pumapansin skin dun kasi mga followers ko hindi mga Pinoy :D ano bang malay nila sa mga pinagsasabi ko diba ? Kaya puro reblog na lang ako dun ng mga damit na gusto ko. :D
Etong blog ko na to dito ako magdadadaldal tungkol sa mga artworks ko, at lahat ng kung ano anong mga pumapasok sa imahinasyon ko:) kaya pasensyahan nyo na :D

Well siguro alam nyo na kung anong klaseng blogger ako :) 
Magpopost ako mamaya ng mga artworks ko :) 
Salamat sa pagtatyagang magbasa :)